Posts

Ang Antanda ng Krus - by Bro. Glenn dela Cruz

Image
  Ang Antanda ng Krus (Sign of the Cross) ay isang mahalagang bahagi ng buhay ng bawat Katoliko. Gayunpaman, may mga protestanteng sekta, , na tumutuligsa rito, sinasabing ito raw ay tanda ng halimaw na binabanggit sa Pahayag 13:11-18. Nararapat na bigyang-linaw natin ang mga maling akusasyong ito sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga talata sa Bibliya at ang turo ng Simbahang Katoliko, partikular sa Katesismo. Ang Antanda ng Krus sa Bibliya Ang tradisyon ng paggamit ng krus ay mayroong matibay na pundasyon sa Banal na Kasulatan. Sa Mateo 28:19, si Jesus ay nagbigay ng tagubilin sa Kanyang mga alagad: “Humayo kayo at gawin ninyong alagad ang lahat ng bansa, bautismuhan ninyo sila sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo.” Ang pagbinyag sa pangalan ng Santisima Trinidad ay makikita sa akto ng Antanda ng Krus, na ating ginagawa sa ngalan ng Ama, Anak, at Espiritu Santo. Bukod dito, sa Efeso 1:13, ipinapaliwanag ni San Pablo na ang mga mananampalataya ay natatakan ng Banal na Espir

Believe You Can and You're Halfway There

Image
 Believe You Can and You're Halfway There