Theotokos: Ina ng Diyos, Ina ng Kaligtasan - by Bro. Glenn dela Cruz
Ang titulong Theotokos ay nangangahulugang “Tagadala ng Diyos” o “Ina ng Diyos.” Ang titulong ito ay itinataguyod ng Simbahang Katoliko bilang isang mahalagang doktrina na nagpapatibay sa pagka-Diyos ni Hesus at ang kakaibang papel ni Maria sa kasaysayan ng kaligtasan. Maraming Protestante ang hindi tumatanggap ng titulong ito, sa kanilang pananaw, tila isa itong pagpuputong kay Maria bilang diyos. Ngunit, paano nga ba natin ipagtatanggol ito bilang mga Katoliko? 1. Biblikal na Batayan: Ang Theotokos sa Kasulatan Una sa lahat, ang titulong “Theotokos” ay nakaugat sa Banal na Kasulatan. Sa Lucas 1:43, sinabi ni Elizabeth kay Maria, “Sino ako upang dalawin ng ina ng aking Panginoon?” Dito, tinawag ni Elizabet si Maria bilang “Ina ng Panginoon,” na nagpapahayag na si Maria ay ang ina ng Diyos na nagkatawang-tao. Hindi lamang si Maria ang ina ng isang dakilang propeta o lider; siya ang ina ng Panginoon na nagkatawang-tao—si Hesus na tunay na Diyos at tunay na tao. Dagdag pa rito, sa Juan